BSCS Bakit nga ba?

After a long hiatus ay naandito na ulit ako! Share ko lang sainyo na Foundation [week?] nga pala namin ngayon sa FEU FERN COLLEGE Click to view. Ang daming booths at syempre andoon ang favorite ko na McDonald <3. Nakakatuwa nga eh, dahil halos buong araw ay puro McDonald`s food ang kinain ko :)). Kanina rin ang first time na nagamit ko yung McDonalds discount coupon x]]. [Thanks McDo for the discount <3]
Btw hindi ito ang purpose ng aking blog ngayon. Gusto ko lang sagutin ang katanungan ng iba, kung bakit CS ang itinake ko na kurso. x]]


Ng ako`y nasa ikaapat na taon sa mataas na paaralan, ay  wala sa isip ko ang pagkuha ng kursong BsCS; ang tanging napupusuan ko lamang ay ang Politika at Pharmacy. Imagine , naging presidente ako ng Macro-biz Computer Club isang computer organization sa aming paaralan pero wala talaga akong balak sa pagkuha ng any computer course/s. Kung kwekwestyunin man ang aking kakayahan sa Adobe Photoshop at kung anox2 pa na may koneksyon sa computer softwares, natutunan ko lamang ito sa aming Computer subjects nung highschool at ang iba naman ay natutunan ko na lamang dahil sa pagiging mausisa ko. Ngunit bakit nga ba ako napunta dito sa kurso na ito???

Bago  mag kolehiyo ay nag exam ako sa UST [Bs PolScie , BsECE] , MAPUA[BsECE], CEU[Pharma] at  ADMU[BsPolScie,History]. Kung mpapansin nyo ay ni isa wala akong kinuhang BsCS or BsIT. 
Sa kadahilanang napaka gulo ko magisip kung saan ako papasok ay, magpapasukan na at wala pparin akong napipili na paaralan. Dahil doon ay natakot ang aking mga kamaganak at baka daw hindi na ako makapag aral   sa kolehiyo >.<. Kaya`t napagdisisyunan nila akong ipasok sa FEU Fern. Habang naglalakad lakad ay one time may nakita akong nakapost malapit sa Cashier window, [yung slide glass] na listahan ng mga gagraduate sa taon na iyon. Sa aking pagmamatyag ay wala pa ata sa kalahati ng mga gagraduate na IT ang population ng graduating na CS. Kaya`t hindi ako nagbakasakaling kuhain ang kursong BsCS , at pangarapin na itayo ang bandera nito [LOL]. 

Sa aking pagpasok ay medyo naguguluhan ako sa 3rd floor ng college building sa FEU Fern, dahil halos lahat ng nakakasalubong ko na estudyante ay BsIT. Kaya sa unang araw ay  medyo na oout of place ako sa aming paaralan dahil wala man lang akong makita na kapareho ko ng kurso, pero di nagtagal ay nameet ko rin ang block ko which is napaka onti nga talaga namin. Biruin mo ba naman na ang Section ng IT ay lagpas sa dalawa o tatlo pero yung amin isa lang T.T. Inaamin ko sa umpisa ay nakakaout of place talaga sya pero habang lumilipas ang panahon ay nakakacope up naman ako sa environment. 

Marami akong kaibigan na IT na nagpapalipat sakin , pero pilit ko paring tinatanggihan. Ano nga ba ang masaya sa pagiging CS? Kapag CS ka mayroon kang feeling na EXTINCT ka sa school nyo. x]]
At syempre pag grumaduate ka bilang CS ay nakakaproud dahil nalagpasan mo ang kursong Information Technology Applied Mathematics x]]. Hindi madali mag CS pero Masaya.

Maaaring kakarampot nga ang populasyon ng BsCS students pero hindi ibigsabihin noon ay dapat tayo Mangliit [xP] . Kahit saan man ako pumunta, kahit ano man ang salihan ko ay proud ako na BsCS ako!
Bakit mayroon ba akong dapat ikahiya sa aking kurso? x]





Allen Carlanz P. Ramos
CSC-11

Comments

Popular posts from this blog

Stiev-A Tretinoin 0.1% cream review

Enhance your Android Phone`s Display w/ Bravia Engine

MyPhone A919i Review