My Best Friend :[
Sa pagtungtong ko sa kolehiyo, unang unang blessing na natanggap ko ay ang aking kaibigang nangngangalang Charles [Charles P. Ramos] . Si Charles ay ang aso na regalo ng aking lola sa aking ng ako`y grumaduate sa high school, marami ng nagdaang aso sa aking noong bata kaya`t mahal na mahal ko ang mga hayop. Isa akong animal lover, syempre bilang animal lover ay ayaw kong makakita ng mga hayop na nahihirapan. Ngayon habang ako`y nagbloblog ay medyo naiiyak iyak ako sa mga pangyayari, dahil ng pagkarating ko agad na binalita sa akin ng aking yaya na ang aking kaibigan na si Charles ay namamaga ang mata at baka mabulag yung kaliwang mata nya, kakakamot nito :( . Nang malaman ko ito ay agad akong pumunta sa kulungan niya at kinausap siya, di nagtagal ay hindi ko napigil na may mahulog na luha mula sa aking mga mata ng makita ko na namamaga nga ang kanyang mata at hindi na niya ito maidilat. [Parang ang litrato sa ibaba] Kinausap ko siya at sinabi kong, "Charles, wag mo muna ak...