My Best Friend :[

Sa pagtungtong ko sa kolehiyo, unang unang blessing na natanggap ko ay ang aking kaibigang nangngangalang Charles [Charles P. Ramos] . Si Charles ay ang aso na regalo ng aking lola sa aking ng ako`y grumaduate sa high school, marami ng nagdaang aso sa aking noong bata kaya`t mahal na mahal ko ang mga hayop. Isa akong animal lover, syempre bilang animal lover ay ayaw kong makakita ng mga hayop na nahihirapan.


Ngayon habang ako`y nagbloblog ay medyo naiiyak iyak ako sa mga pangyayari, dahil ng pagkarating ko agad na binalita sa akin ng aking yaya na ang aking kaibigan na si Charles ay namamaga ang mata at baka mabulag yung kaliwang mata nya, kakakamot nito :( . Nang malaman ko ito ay agad akong pumunta sa kulungan niya at kinausap siya, di nagtagal ay hindi ko napigil na may mahulog na luha mula sa aking mga mata ng makita ko na namamaga nga ang kanyang mata at hindi na niya ito maidilat. [Parang ang litrato sa ibaba]


Kinausap ko siya at sinabi kong, "Charles, wag mo muna ako iiwan ah :(" . Maaaring ang ibang tao ay makikita ito na weird pero para sa akin ay mahalaga ito, hindi weird ang mag pahalaga sa isang buhay lalo na sa tinuring mong kaibigan...


" He is your friend, your partner,
your defender, your dog.
You are his life, his love, his leader. He will
be yours, faithful and true, to the last beat
of his heart. You owe it to him to be worthy of
such devotion."


Habang pinagmamasdan ko ang namamagang mata ni Charles ay naalala ko ang nakaraan... Kung paano ko siya kinuha, paano kami matulog ng magkasama at ang pakikipag laro ko sakanya. 


Hindi biro ang ilang buwan na pagsasama namin , mula bata siya hanggang tumanda ay magkasama kami. Naaalala ko pa nga noong unang pasok ko sa Kolehiyo ay ayaw ko pa siya iiwan, natatakot ako na baka pagkauwi ko ay nakatali na siya, baka hindi siya pakainin, etc... 


Dogs have more love than integrity. They've been true to us, yes, but they haven't been true to themselves.
- Clarence Day

Si Charles ay itinuring na naming parte ng pamilya namin, isa sa mga memorable moments namin ay yung nag Station of the Cross kaming buong pamilya na kasama siya, naaalala ko pa na ang hiniling ko nun ay ingatan ang Pamilya at kaibigan ko, at sana ay wag agad kuhain ni Lord si Charles sa amin. 



Dumating yung araw na naging sobrang busy na ako sa college, hindi ko na sya masyadong napapansin at naaasikaso kaya inilagay muna siya sa isang cage. Nasasaktan ako everytime na nakikita ko siyang tinatahulan ako, at parang sinasabi niya sakin "Allen andito ako! Usap naman tayo!" hindi ba`t masarap pakinggan? Lalo na kapag kakadating ko lang galing sa paaralan ay makikita ko siya , tatawagin niya ang aking pansin na parang nag sasabing "Kamusta ka sa school Allen? Mag pahinga ka naman!" kay sarap marinig diba? Kahit ang simpleng tahol nya lang tuwing aalis ako papuntang school ay nararamdaman ko na sinasabi niya na "Magingat ka Allen, pasensya na at di kita masasamahan". Talagang pinagsisisihan ko bakit hindi ako nakapag bigay sakanya ng oras simula nag kolehiyo ako :(


If you pick up a starving dog and make him prosperous, he will not bite you; that is the principal difference between a dog and a man.

- Mark Twain


Habang isinusulat ko itong blog entry na ito... Ay napapaisip ako sa mga nangyayari, marami akong pagkukulang sakanya , nagkaroon ako ng favoritism between charles and champy, pero one thing for sure... Naging parte sya ng buhay ko... sabihin na nating aso lang siya, pero para sa aking, mas naging totoo siyang kaibigan compared sa mga tao. Wala siyang nililihim sakin... Masaktan ko man siya ay parang wala lang nangyari, if ever man kunin siya ni Lord ay nakakasigurado akong mas safe siya doon at nasa mabuting kamay siya :(, alam ko na magkakaroon ng time na kukuhain na siya ni Lord sa lagay niya ngayon, pero parang awa mo na Charles ay tatagan mo pa ang loob mo! Alam mo namang kahit isang gabi na hindi kita madalaw o makita ay hindi ako natutulog diba? :( Lalo na kapag nagigising ako tuwing madaling araw ay ikaw ang kinakausap ko kahit nagigising kita sa pag tulog mo :(. Maraming salamat sa pagsama sa akin mag C.R tuwing gabi dahil alam mong takot na takot ako sa dilim.
Naging parte ka ng buhay ko... More than pa sa ibang friends ko :[. Sana sa nalalabing araw mo ay maparamdam ko sayo na hindi ka nagkamali ng sinamahan... sana ay wala kang pag-sisisi :(.

Mahal ka namin Charles :(.

Sana ay mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko sayo simula mag college ako :(

When you leave them in the morning, they stick their nose in the door crack and stand there like a portrait until you turn the key eight hours later.
--Erma Bombeck

Comments

Popular posts from this blog

Stiev-A Tretinoin 0.1% cream review

Enhance your Android Phone`s Display w/ Bravia Engine

MyPhone A919i Review