May the odds be ever in your favor!

Hello guys! :D Sorry for the long hiatus :[.  Naging busy lang talaga ako ng sobra sa school,  malapit narin kasi ang finals, buti pa yung iba summer na >:[  Ok lang mas maaga naman kami gragraduate xD.
Isa sa mga pinagkabusyhan ko ay yung thesis namin sa English na development of computerized enrollment system. Medyo nakakainis lang dahil anim kami sa grupo at hindi ko alam bakit parang individual or by pair lang ang thesis na ito? >:/ . Ang daming free rider sa grupo namin xP.  Pero ok lang naman dahil in the end ay yung team leader naman pala ang mag gragrade sakanyang mga members >:] *insert evil smirk here*. Masaya rin ako dahil kahit wala masyadong nag cocooperate ay natapos namin ang aming thesis [ito ang first thesis ko ngayong college!].

Presenting! Ang Bunga ng Dugo at Pawis!


Back to the topic! Ang post na ito ay tungkol sa The Hunger Games na isinulat ni Suzanne Collins. 

The Hunger Games is a young adult novel written by Suzanne Collins. It was first published on September 14, 2008, by Scholastic, in hardcover.[1] It is written in the voice of sixteen-year-oldKatniss Everdeen, who lives in a post-apocalyptic world in the country of Panem where the countries of North America once existed. The Capitol, a highly advanced metropolis, holds absolute power over the rest of the nation. The Hunger Games are an annual event in which one boy and one girl aged 12 to 18 from each of the 12 districts surrounding the Capitol are selected by lottery to compete in atelevised battle in which only one person can survive. 

Naging fan na ako ng THG bago pa ito maging mainstream or mag trending sa mga social sites tulad ng facebook. Nakakatuwa lang isipin na ang pinaka unang libro na binasa ko ng dapuan ako ng pagiging bookworm ay kikilalanin ng lahat! Medyo tinatamad pa nga ako habang binabasa ko ito dahil ng binilan ako ng aking lola ng libro nito ay yung tinatawag nilang Trilogy o yung tatlong books na. Nakakatuwa lang at natapos ko naman sila lahat! Ilang beses ko pa nga nabasa ang trilogy nito. 


Bilang fan ng Hunger Games na book ay hindi maipinta ang aking pagmumukha ng malaman ko noon na gagawan ito ng pelikula. Super laki ng expectation ko sa movie na ito at palagi kong ipinagdarasal na sana ay wag magaya sa Twilight :)) [jk]. 

Sa pagiging fan ko ay sumasali pa ako sa mga online competition para lang manalong mockingjay pin![isearch nyo nalang] . At habang palapit ng palapit ang movie ay lumabas ang website nang capitol kung saan ay pwede ka gumawa ng sarili mong Identification Pass [I.D].


Oh diba saktong sakto pa at sa District 11 ako napunta! Fan ako ni Rue <3.


Ilang linggo bago ipalabas ang hunger games ay nagset na kami ng aking mga kaibigan ng schedule kung kailan kami manonood nito. Gusto sana namin mapanood ito noong premier night nito sa aming bansa ngunit masyado na itong late para sa aming mga bata , at hindi rin ako papayagan ng aking ina na umuwi ng 10pm.
Lahat ng aming plano ay nauwi a day after ng premier night.


Noong araw na iyon ay hindi ko maexplain anong ligaya ang mararamdaman ko bago kami pumasok sa sinehan. Isipin mo ba naman ay yung mga nagbabantay ng Cinema rooms ay naka Mockingjay shirt rin! Gusto ko na nga ipahubad sakanila at handa ako bilin ito xD. 

Naging masaya ang experience ko sa loob ng sinehan. Hindi ako nagawang idisappoint ng movie, pero may mga parts lang na iba ang story compared sa book. Pero all in all ay napaka ganda talaga, lalo na yung animations at battle scenes. Noong ipasok sila sa arena... grobe tlg!

Pasensya na at hindi ako pwede mag kwento sainyo, pangit maging spoiler xD. Mas maganda kung kayo mismo ang makakakita at makakaexperience ng shiver sa inyong lamang loob habang pinapanood ito.


I can`t wait for the 2nd part, The Catching Fire!

May the odds be ever in your favor!

Comments

Popular posts from this blog

Stiev-A Tretinoin 0.1% cream review

Enhance your Android Phone`s Display w/ Bravia Engine

MyPhone A919i Review