Does first impression last?
Hello guys! Andito nanaman ako at mag susulat nanaman ng panibagong blog entry, pasensya na at nawala ako ng napakahabang panahon dahil narin ito sa mga school activities >.>. Anyway may gusto akong ishare sainyo, syempre sa tinagal tagal kong nawala ay marami ring nangyari na hindi ko naishare sainyo :D.
1. English Thesis [Enrollment System]
Actually , first time ko gumawa ng thesis, at syempre first time ko mag dedefense. Hindi ko alam kung nakakatawa ba o nakakagulat ang ikwekwento ko about sa prof ko sa English 3 x]. Last week ay nagpacheck kami ng Chapter1-Chapter3 namin, marami siyang nakikitang correction sa papers namin, naging smooth ang lahat ng pagdating sa Chapter2 ay biglang tumaas ang tono ng kanyang pananalita ay pinunit ang cover page ng Chapter2 namin dahil lamang sa correction sa isang line, tapos crinample nya. Crazy right? >.>
Na mention nya pa that time na "Next time guys kapag mag papacheck kayo ay wag yung trash", so bigla akong napaisip na.... "Trash? sa pagkakaalam ko eh kakaonti palang kaming group ang nakakatapos ng activities mo ah? x]" . Wag na nating balikan ang mga pangyayari x]]
2. Sir Bob`s Dastruc
Isa lamang ang masasabi ko dito, why you turning to hell? x[ . Kung isa kayo sa mga sumusubaybay sa aking blog eh sigurado akong nabasa nyo na ang entry ko na ito : Featured Professor: Sir Roberto "Bob" Marquez
, Yung lessons namin before Midterm ay medyo ok pa naman pero 2 lessons after midterm eh parang ginigisa na kaming mga Bobmates sa kawali T.T.
3. Bonding w/ my IT Friends
1. English Thesis [Enrollment System]
Actually , first time ko gumawa ng thesis, at syempre first time ko mag dedefense. Hindi ko alam kung nakakatawa ba o nakakagulat ang ikwekwento ko about sa prof ko sa English 3 x]. Last week ay nagpacheck kami ng Chapter1-Chapter3 namin, marami siyang nakikitang correction sa papers namin, naging smooth ang lahat ng pagdating sa Chapter2 ay biglang tumaas ang tono ng kanyang pananalita ay pinunit ang cover page ng Chapter2 namin dahil lamang sa correction sa isang line, tapos crinample nya. Crazy right? >.>
Na mention nya pa that time na "Next time guys kapag mag papacheck kayo ay wag yung trash", so bigla akong napaisip na.... "Trash? sa pagkakaalam ko eh kakaonti palang kaming group ang nakakatapos ng activities mo ah? x]" . Wag na nating balikan ang mga pangyayari x]]
2. Sir Bob`s Dastruc
Isa lamang ang masasabi ko dito, why you turning to hell? x[ . Kung isa kayo sa mga sumusubaybay sa aking blog eh sigurado akong nabasa nyo na ang entry ko na ito : Featured Professor: Sir Roberto "Bob" Marquez
, Yung lessons namin before Midterm ay medyo ok pa naman pero 2 lessons after midterm eh parang ginigisa na kaming mga Bobmates sa kawali T.T.
3. Bonding w/ my IT Friends
Credits -> to the owner/s
Anyway, hindi naman talaga yan ang purpose ng blog entry ko na ito, gusto ko lamang balikan ang aking blog entry noong January 29,2012 Ang aking unang impresyon. May kasabihang "First impression last" , totoo nga ba na ang unang impresyon mo sa iisang tao ay mananatili kapag nakilala mona siya? Maaaring ang blog entry na ito ang makakasagot sa aking katanungan, at syempre sa mga taong maililista dito [syempre malalaman nila kung ano tingin ko sakanila dba :P]
CSC-11
Kris- Simula ng makilala ko si Kris, hanggang ngayon ay ganoon ko parin siya nakikita... Tahimik, masaya kasama, at may pagka feminine. Nagkakasundo parin kami pagdating sa mga libro at minsan rin ay samga genre ng songs.
Abby- Si Abby , walang pinagkaiba mula noon hanggang ngayon, kung paano siya makipag usap, makipag lokohan, at most specially kung paano siya mag act pag nasa loob ng klase. Ang tanging nagbago lamang sakanya ay yung flirting level nya, [syempre hindi maaalis yun kapag nagkaron kang minamahal] pero dahil dito ay medyo naguluhan ako, ang abby na nakikita kong masipag mag aral ay natuto ng mag cutting at kung anox2 pa.
Bea- Inaamin kong natatakot ako kay Bea noon, pero ng simula ko siyang kausapin during PE3 namin ay nalaman kong masaya pala siya kausap! Masaya rin siya kasama.
Kelly- Ang Kelly na nilalayuan ko dati dahil natatakot akong lapitan dahil baka kung anong gawin sa akin ay gusto ko nang kasama tuwing free time dahil sa pagpapatawa nya ^^ .
Nicole- Kung paano ko siya nakilala noon ay ganon parin siya hanggang ngayon.
Trent- Inis na inis ako sa taong ito dahil hindi ako pinapansin noong first week. Ng maging magkaibigan kami ay nakikita kong tahimik siya, walang kamuwang muwang sa mundo ng pagmamahal, at good influence sa akin. Gustong gusto ko siya kasama palagi noon, dahil rare ang CS sa fern at kailangan mo talaga mamili ng kaibigan. Pero ngayon eh halos layuan ko na sya dahil sa masakit siya sa mata kapag naglalandi x]
Jay- Si jay ay pareho parin naman sa aking pagkakakilala sakanya, may mga nadagdag nga lang. Noong nakilala ko siya ay hindi siya marunong mag mura. Pero nung nag 18 years old siya dyusko nakakagulat! x] Bigla nalang ako minura kinabukasan hahaha
Kylle- Ang inakala kong Bully at Bossy sa school ay mabait pala! *Nice kylle x]*!
Rence- ano nga bang pagbabago sayo except sa nadiscover kong matalino ka? :D
Charleen- Ang inakala kong tahimik o birhen noong pasukan ay isa pa pala sa aking mga kasama sa Evil plans ko :)), Kami na lamang ni Charleen ang nakakaintindi ng salitang "Publicity" sa circle of friends namin :)), siya ang lagi kong kasama dahil iisa ang idea namin, iisa kami magisip/
Charissa- Nananatili ang unang impresyon ko kay Charissa hanggang ngayon... tahimik, takot sa Dyos at masipag mag aral :).
Nam- ano nga ba pag babago mo? x]
Ulysses- noong nakita ko siya sa English3 namin ay nagpapakilala siya, may tanong ang aming prof na "Kung saang bagay ko kayo maaalala" sinabi niya na sa Taekwondo daw, eh heto naman ako at si charleen ay binansagan agad siyang Kungfu panda :)) Unang tingin ko kay Uly ay napaka sungit at nakakatakot , to the point na lalapain ka nya pag dumikit ka sakanya, pero lahat yon ay kabaliktaran pala :D
ITC-11
Abe- Kung paano ko nakilala si Abe noon ay ganoon parin siya hanggang ngayon... Comedian, supportive at mabait na kaibigan.
Lois- natatawa na lamang ako tuwing iniisip ko ang unang impresyon ko sakanya noong once na makasama ko siya sa panonood ng UAAP Basketball finals :)), unang pagiisip ko talaga sakanya ay, ang epal naman nito :)). Pero d man kayo maniwala ay siya ang isa sa mga closest friends ko ngayon.
Gel- Ganon parin
Shen- parang si Uly ang tingin ko kay Shen, akala ko kasi super boyish ni Shen dati. Yun pala ay may tinatagong kulo rin pala :P
Amielle- nagmumura rin pala ang gaga xP
KateVG- Hanggang ngayon x]
XB
Karl- ang taong pagkakita ko ay inakala kong isang robot na gawa ng mga scientist, yung tipo na hindi marunong mag enjoy, puro aral lamang ay may kwela pala sa loob , mabait si Karl hindi tulad noong inaakala ko sakanya dati na nangangagat sya. Siya ang matalino na malalapitan mo :D
Catherine- walang pagbabago :D
Shaira- ang kinakatakutan ko dati dahil akala ko ay siya ang nawawalang anak ni Shrek at Fiona ay palabiro pala ^^, masaya siya kasama at magaling rin siya mag Organ *sabi ni Cha* napaka studious nyan ^^
Areeya- Aha! ganoon kaparin Areeya :D
Org. Leaders
Ate Yan- Nang makita ko si ate Yan noong unang GA, agad kong reaction ay, "Bisaya ata pres natin" . Pero habang tumatagal.... tuwing recognition day.... at lalo na nung nagkasama kami sa isang leadership seminar lahat ng mga ito ay biglang naiba. Kung lilibot ka sa Fern ay masasabi mo na lamang sa sarili mo na, Siya ay isang YAN BIROG.
Ate Chamel- walang pinagbago x]] lalo na kapag naglalakad tapos bigla kayong maguusap haha
Ate Saycee- walang nagbago at napaka supportive moo ate!
Kung andito ka man o kilala mo sila, ano say mo?
Comments
Post a Comment